Balabag, Kidapawan City – (Nov. 19, 2020)
Magtatayo ng wi-fi facility para sa STARBOOKS Program ang Department of Science and Technology (DOST) sa 36 identified ELCAC brgy beneficiaries ng probinsya. Kabilang na dito ang Brgy Balabag.
Inihayag ito kanina ni DOST Regional Director ENGR. SAMMY P. MALAWAN, sa ginanap na NAC Local Serbisyo Caravan. Abot sa 150,000 pesos ang nakatalagang pundo ng DOST para sa kiosk kasama na dito ang computer, wi-fi antennae at sampung tablets na libreng magamit sa Barangay.
Dahil wala namang estudyante sa mga paaralan, ilalagay ang kiosk sa Barangay hall upang magamit ng lahat.
Ipinaliwanag ni Provincial Director Michael Mayo na ang Starbooks ay isang programa na may lamang libo-libong digitized science and technology resources sa ibat-ibang kaanyuan (text/ audio/ video) na naipasok sa mga “pods” at nailapag sa isang user friendly interface.
Labis na makatulong ang Starbook dahil isa pala itong Information Kiosk na maaring ma-access kaahit walang internet. Gamit nito ay intranet. “Isa syang compendium of S&T information na nakuha ng DOST mula sa buong mundo,” ayon kay Director Mayo.
Mayroon diumano itong features videos na tinawag nilang “Tamang DOSTkarte Livelihood Videos” na naihanda para sa lahat ng mga Pinoy na interesado magtayo ng sariling negosyo.
Dama ang labis na suporta ng mga ahensya sa pagkilos ni Governor Nancy CATAMCO upang maisulong ang kaunlaran ng Probinsya at matuldukan ang insurhensiya.
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#kuyogta
#Dumaki
Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco/posts/3427955537300053