Masayang tinanggap ng mga punong guro ng tatlumpong walong elementary schools ang tatlumpong walong kumpletong set ng STARBOOKS units na ipinamigay ng DOST XII sa mga benepisyaryo nitong mga pampublikong paaralang elementarya sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ito’y kasabay ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DOST XII sa pamumuno ni Regional Director Engr. Sammy P. Malawan, CESE at Supt. Leonardo M. Balala, CESE School Division, Superintendent, DepEd Sultan Kudarat na ginanap sa Philippine National Halal Laboratory and Science Center (PNHLSC) sa lungsod ng Koronadal sa Timog Cotabato kahapon.
Ang STARBOOKS ay isang standalone kiosk at kilala din sa tawag na offline na silid-aklatan ng siyensiya na naglalaman ng libu-libong digitized na impormasyong pang agham at teknolohiya sa iba’t ibang pormat maging ito man ay text, videos at audio na nilagay sa isang dinisenyong pods set ng madaling gamitin na interface. Ang pag access sa mga impormasyon na nilalaman nito’y hindi na nangangailangan ng koneksyon ng kuryente.
Sa kanyang mensahe, binigyan diin ni RD Malawan ang kahalagahan ng STARBOOKS sa mga mag aaral lalo na sa mga tinatawag na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas or GIDAs. Ang pagbibigay ng STARBOOKS ay napapaloob sa pangatlong Key Entry Point ng CEST o Community Empowerment Thru Science and Technology, ito ay ang Basic Education and Literacy kung saan akma ang nasabing tulong. Dagdag pa niya na tinatayang nasa mahigit kumulang isang daan at limampong yunit na ng STARBOOKS ang napamigay ng DOST XII sa buong rehiyon. Ang nasabing bilang ay inaasahang tataas pa at darami pa ang bilang ng mga eskwelahang mabibigyan ng STARBOOKS.
Ang CEST ay isa sa mga pangunahing programa ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na naglalayong baguhin ang mahirap na komunidad tungo sa isang matatag, progresibo at nababanat na komunidad. Ito ay may limang Key Entry Points na kinabibilangan ng mga Livelihood and Enterprise, Health and Nutrition, Basic Education and Literacy, Water and Sanitation at Disaster and Risk Reduction and Climate Change Adaptation. Ito ay isang pagtugon ng DOST sa pangkalahatang pamamaraan ng gobyerno sa pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan para wakasan ang lokal na paghihimagsik o End of Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na karaniwang kinasasangkutan ng mga nasa laylayan ng lipunan gaya ng mga magsasaka, mga kababihan at mga katutubong IPs.
Samantala, lubos naman ang pagpahayag ng pasasalamat si Supt. Leonardo M. Balala, CESE, School Division Superintendent, DepEd Sultan Kudarat sa pagbigay ng DOST XII sa kanila ng STARBOOKS. Aniya itong teknolohiya na ito ay napakalaking tulong sa pagpapabuti sa mga mag aaral para makabuo ng Better Philippines at Better World. Dagdag pa niya ang natanggap nilang tulong ay para sa mga Batang SK at mga Batang Pilipino.
“Masaya ako na itong partnership natin kasama ang DOST ay makakatulong sa atin mapabuti ang buhay ng ating mga learners. Salamat sa DOST na kasama sa pagbibigay ng quality basic education ng ating mga mag aaral. Sisiguraduhin natin na ang mga bagay na ito ay gagamitin natin para mapa improve ang ating buhay.” Pahayag ni Supt. Balala.
Kasama rin sa nasabing aktibidad na tumayong mga saksi sa paglagda ng MOU sila Engr. Szalinah S. Mercado, Supervising SRS/OIC-TSD, DOST XII, Ms. Zenaida D. Guiano, Provincial Director ng Sultan Kudarat PSTO, Mr. Richard Fernandez, ITO 1 ng DepEd-Sultan Kudarat Division at iba pang mga kawani ng DOST XII.
Source: https://www.facebook.com/dostregion12/posts/336805801820483