Delivery and Installation of STARBOOKS on selected schools in Abra

STARBOOKS

#SmarterEducation
Ang DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY- CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION (DOST-CAR) katuwang ang Provincial Science & Technology Office -Abra (PSTO-Abra) ay nagbigay ng digital library sa ilang piling paaralan sa probinsiya ng Abra na nasa Geographically Isolated & Disadvantaged Areas (GIDA).

Sa ilalim ng DOST Local Grants-in-Aid Program, napamahagi ang digital library at interactive multimedia audio-visual teaching aid sa DepEd Tayo Malapaao ES , DepEd Tayo Mabungtot Elementary School at DepEd Tayo Quillat ES. Inupdate at nagkaroon naman ng re-orientation ang mga eskwelahang nauna ng nadeployan at nahinto ang paggamit ng dalawang taon dahil sa COVID19 Pandemic. Ito ay inaasahang makakatulong sa pagtuturo ng mga guro pati sa learning experience ng mga estudyante. Sa ngayon, mayroon ng tatlumpo’t apat (34) na paaralan ang nabigyan sa probinsiya ng Abra.

Ang STARBOOKS ay maaaring gamitin kahit walang kuryente o power supply, online man o offline. Pinangalanan ang digital library bilang Science and Technology Academe and Research-Based Openly Operated Kiosks o STARBOOKS. Ito ay naglalaman ng science and technology references, publications, serials, investigatory projects, theses, dissertations, at livelihood videos para sa mga guro at estudyante.

#ScienceForThePeople
#OneDOST4U
#STARBOOKSPh
#STARBOOKS
DOST-STARBOOKS

Source: https://www.facebook.com/DOST.Abra.Official/posts/pfbid02syvak9tmSjNatJrDM9tSqgw95fFBnVAKJ9G62uTq8zka1meETGMHWKyBzKnAzWTvl