LANAO KAPANGLAO INTEGRATED SCHOOL, NABIGYAN NG STARBOOKS!

STARBOOKS

Nakatanggap mula sa Department of Science and Technology ang Lanao Kapanglao Integrated School (LKIS) ng STARBOOKS.

Ang STARBOOKS ay naglalayong magbigay ng Science, Technology and Innovation-based contents sa iba’t ibang formats para sa mga mag-aaral ng geographically-isolated at economically-challenged na mga paaralan.

Tinanggap ng mismong School Head ng Lanao Kapanglao Integrated School na si Jeklenn M. Quirobin ang STARBOOKS kasama ang Education Program Supervisor for Science Norma P. Rendon sa pangunguna ni DOST XII OIC-Provincial Director For. Nabil A. Hadyi Yassin.

Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral, magulang at maging sa mga guro ng LKIS lalo na’t offline ang aplikasyong ito. (Justine Kyle T. Imperial, AO II/North Glan II District Office)

DepEd Tayo Sarangani
#NorthGlan2District
#LanaoKapanglaoIS

Source: https://www.facebook.com/101197529157779/videos/688570345483343/